So, this is our picture. Kami sa gitna, his first son on the left and our son on the right. :)
Sino mahilig sa kpop kpop dito? Lalo na yung mahilig sa SNSD?
Well, alam nyo ba ‘tong kanta na to? Luma na ‘to eh, 2008 pa ata. Hindi SNSD kumanta nya, si BJJ and based sa nabasa ko:
BJJ is a nickname for a producer who composed this song. His real name is Hwang Sung-Jae. He has made several songs for example for Girls’ Generation (SNSD) and BoA, apart from DJMAX series. The Singer singing in this song is another person. Her name is Hwang Jeong Mi.
Share lang, ganda kasi. Sarap ulit-ulitin.
Usapang In-Laws
Madalas akong napapatambay sa Femalenetwork ngayon dahil sa isang post na sinusundan ko dun, and since nandun na rin, nagbasabasa na din ako ng forums.
I found this one about in-laws:
Yung iba okay pero karamihan negative, yung iba SOBRANG negative,hahaha!
Ito yung ibang naka-post:
MIL, salamat po sa 10k sa wakas nakapagshopping na ang manugang mong hindi sinusopartahan ng anak niyo.
I love you po.
sa uulitin!dear motherinlaw, i dont know what are you doing inside our room while we’re gone, i just want you to know that there is such a thing as privacy where everyone is entitled to. please respect that, i dont want my personal belongings being touched by anyone without my consent. i do hope you understand. love lots, your least favorite daughter in lawTita’s in laws: pakitigilan na ang pagsabi sa asawa ko ng “ikaw kasi maaga ka nag asawa eh!”
we’re happy couples naman… prob lang talaga… wala kayo masabi… hirap na hirap kayo ipamukha sa asawa ko na mali ang desisyon nya dahil alam namin hndi kami nagkamali
belat!malapit na naman dumating un anak nyo makikita ko na naman ang thick face nyo ng apo mo. for sure magpapaawa effect ka na naman sa anak mong uto uto. sarap ng buhay mo no? without lifting any finger may sustento ka. pasalamat ka anak mo nagwowork kasi kun ako ni singko wala ka makukuha.saka huag ka na magpretend na miss mo mga anak ko pag wala nga asawa ko ni hindi mo madalaw ilang tumbling lang bahay niyo sa min tapos pag andito asawa ko emotera kang mahal na mahal mo sila
Dear MIL,
Thanks for the support all the times, when it comes finanacial aspect at habang buhay ko po yun nakatatak sa puso at isipan ko . Sana lang dumating ang panahon na ma-feel ko rin ang pagtanggap ninyo sa akin as part of your family..
————
ay! ang drama ko…to my in-laws,
sana wag nyo kaming papangunahan on our decisions as a married couple. we’re old enough to stand on our own. thanks for your opinions but honestly we don’t need it. WHY? kasi napaghahalata na gusto nyo favorable lagi sa side nyo and may mapapala kayo… and isa pa, ayoko nga tumira sa inyo… masyado kayo mapuna kahit maliit na bagay… grrr!!! my parents love your son soooo much, actually more than they love me pero ako haaayyyy..(di ko na na-track sino mga nag-post, pero nandun naman yung link naman ng thread eh ^)
Di ko masabing nakaka-relate ako, di ko rin masabing hindi.
Di pa kami kasal talaga so I guess I can’t call them my in-laws yet (in-laws na hilawika nga). We’re living in their house (2 months pa lang naman) and so far wala pa naman masyadong issue (not that I’m aware of).
I don’t know what his family thinks about me. Ang alam ko, ayaw nila sakin kasi may una syang kinasama dati. Ako yung ‘sinisisi’ nila kung akit naghiwalay sila, haaay. Di ko lang alam ngayon kung ganun pa din tingin nila. That’s one of the reasons why ilag ako sa kanila. Dun nga kami nakatira pero as much as possible I don’t talk to them. I just watch and listen to them.
So far, wala naman akong hinanakit sa kahit sino sa kanila, sa tingin ko kasi bago naman dumating sa kanila ang conflict eh samin munang dalawa dapat maayos na, unless di mapipigilan.
Well, yung tungkol naman sa thread, nakakalibang lang basahin. Napapaisip tuloy ako kung ganun ba talaga kagulo magpakasal? Gann ba talaga kagulo makisama sa pamilya ng iba? Ganun ba kamiserable yung pwedeng maging lagay mo lalo na sa in-laws mo?
I mean… ewan, sa pamilyang kinalakihan ko kasi, parang hindi ganun. Well, sa parents ko kasi, both sides ok sila pareho, kaya smooth na smooth lang. When it comes to our Titos and Titas, well … harmonious naman eh. I mean, even my grandparents know when to get in between the couple and when not to meddle. Hinahayaan nila yung couple, ika nga nila - hindi na sila bata. Plus, they respect others opinions and they know when to say their opinion and when not to.
Basta ganun.
Sabi nga nila, you can’t have it all. Maybe you have a perfect partner pero monster naman ang in-laws mo. Pantay pantay lang pre, hahaha!
Dito kasi sa tumblr, hindi pa usapang asawa o pamilya ang nandito eh, karamihan kasi mga college o high school students pa lang. :) Nag-eenjoy pa sa kabataan nila. Walang pwedeng tanungin ng “Ikaw, anong masasabi mo sa in-laws / asawa mo / living arrangements nyo?”
Well, anu’t-ano man, sana hindi maging ganyan kagulo ang lagay ko -_-
He did, and it ruined everything.
Ang blog kong ito. BOW.
Ang luma na ng account kong ‘to.
Ginawa ko ‘to nung April 16, 2011 - originally with same URL pero after few days, pinalitan ko yung “kayaryanlang” ng “menineteen” kasi yung magaling kong ex that time nanggugulo ng bongga.
Naaalala ko pa yung unang post ko dito, actually karamihan ng mga post ko noon tungkol sa ama ng anak ko - si Michael (kasi sinimulan ko ‘tong blog na ‘to halos sabay nung naging kami).
Hanggat maaari bawal ang reblog. Super personal blog talaga, yung iba pa nga medyo tricky lang na hindi dapat i-share, pero di halata.
Nung bagong gawa pa lang ‘to, ang madalas kong nakikita sa dashboard ko, sila Kuya Rhadz, Ate Khye, Faindylicious, si ate tiwala-much, Ate Caiel, si kuya chickboydawako, si miss gellieprietto, misskatrinarose (sila pa ni leejay nun), si miss haponita, si putograft (sya si Pabee ‘di ba?), iamimeeh, echoserang-frog, umaasaparin, pambansanginidoro (na nakakausap ko dati lalo pag madaling araw na, hahaha!), vampalexa, wimpydrawings, strawberrytelle and many many more. ~ The comparison lang, ngayon kasi tuwing nagbubukas ako, parang ibang henerasyon na ng bloggers ang meron, dami pang issue issue.
Active ako sa blog na ‘to noon until mag-OJT ako nung late November 2011. Yup, di naman ganoon ka-busy kaya lang naging sobrang magulo na ng sitwasyon ko that time, at feeling ko hindi ako malayang makakapag-post dito sa blog na ‘to, kaya that time puro reblog ng pics, until mag-2012 na. Hindi na ko nag-post talaga.
Gumawa ako ng isa pang blog that time, para sana dun ko mailabas yung mga nangyayare sakin (outlet ko kasi ‘tong pagpo-post. kahit di ako magaling na writer, ang main point ko eh mailabas ko yung nararamdaman ko). Hindi rin naman naging OK ang outcome kasi naging masyado akong concious sa idea na baka pag mabasa ng parents / family ko, magamit pa against kay Michael. Yup, I’m protecting him, that’s why.
Things that I failed to write about are:
Yung time na nakipagkita ako sa dating kinakasama nya. (The girl said na nagsasama pa din sila at sabi daw ni Michael aayusin daw nila relasyon nila). ~ That is so nakakabaliw kasi the whole time ang alam ko di na sila nagsasama. I nevr asked questions, because I trust him, and whenever I do, limited answers lang din nakukuha ko.
Yung time pinagtulungan ako ng pamilya ng dati nyang kinakasama. Kinuyog nila ako, at pagdating sa baranggay, kami pa ang pina-blotter, kami pa daw ang nanguna at sila pa daw ang nasaktan.
Yung mga di magagandang sinabi nya sakin the whole time na buntis ako.
Yung time na sinabi nyang “Wala akong obligasyon sayo, sa bata lang.” ~ Buntis ako that time at nagsasabi ako na kelangan ko ng pampa-check up at pambili ng gamot, yan yung sinabi nya sakin. Parang ang punto eh di sya dapat magbigay sakin, magbibigay na lang sya pag nanganak na ko.
Yung time sinasabi nyang “…buti nga ikaw ganyan lang ako, ako pati sarili ko pina-plastik ko na” ~ Madalas kaming mag-away that time, kahit mabababaw na bagay lang, ang bilis nagiging away. That time tinatawagan ko sya, ayaw nyang sagutin. Nung nakausap ko na sya, sabi ko “bakit mo ba ko ginaganito? di mo na ba ko mahal? nasasaktan na ko.” tapos yun yung sinakgot nya sakin. Tandang tanda ko, that was Oct. 06, 2012, 7 months pregnant ako that time.
The next day, ako pa pumunta sa kanila (kasi di na sya nagpapakita talaga samin, with so many excuses) para makipaghiwalay na. Tandang tanda ko that time, nakikipag-ayos lang sya lagi kasi ayaw nyang malayo sa kanya yung anak nya, hindi dahil mahal nya ko. Oct. 07, as early sa 5am nandun na ko sa kanila. I promised myself that that will be the last time that I will go to their house. Nakipag-ayos sya. Paulit-ulit nya ding sinabi na hindi sya in love sa kahit kanino, at wala daw syang iba. PAG-AARALAN NA LANG DAW NYA AKONG MAHALIN ULIT. Nakakababa ng sarili, pero that’s how it went. Sabi nya magsisimula daw ulit.
Sabi ko wag na wag na nya kong ssaktan ulit, kasi di ko na kaya.
The more na binabalikan ko yung mga bagay na yun, lalo lang nagiging malinaw na di naman talaga ako pinahalagahan ng lalaking yun.
Almost the whole pregnancy, wala syang binigay na tulong in terms of money. Meron one time nung November na, that’s Php 1,700. Kung ito-total lahat ng binigay nya the whole pregnancy, that’s only Php 2,500. Kasama na hanggang sa nanganak ako.
After ko manganak, lalo pang gumulo ang lahat.
Basta!
Right now, nagsasama kami, di namin kasama anak namin. Hindi pinasama ng mga magulang ko dahil na din sa mga pinaggagawa ni Michael mismo.
Haaay.
Well. Grabe, ang layo ng narating ng topic ko, hahaha! Shet.
Yun lang.
I am not a fan of rap songs but listening to this one made me cry a bit.
Naiyak lang ako kasi yung thought dun sa kanta, .. wala, naiisip ko lang:
“Ako ba, hindi ba ako worth it para humarap sya ng ganyan sa pamilya ko?”
Basta, na-compare ko sa akin yung kanta, parang … sana ganyan din naiisip nya dati.
Tss. Too late for all those bullshit. Kahit ano pang gawin ko, tapos na yung chapter na yun, maybe now he’ll need to prove himself first before I agree.
Kasi noon he proved to me that what I feel is not enough, he treated me like a useless trash just because I love him that much.
Blah. Whatever.
Share vid lang.
Pagpapatawad
Ilang beses na bang nangyare sayo na…
May isang taong sobra sobrang nanakit sayo to the point na namamanhid ka na sa sobrang sakit?
Yung paulit-ulit sinisira yung tiwala mo to the point na ayaw mo ng magtiwala ulit?
Yung may nagparamdam sayo na madali kang palitan at di ka kawalan?
Yung paulit-ulit kang binabalewala?
Ang mas masakit, mahal mo yung taong gumagawa nyan sayo.
Kahit masakit, pinapatawad mo pa rin.
Pero paano kapag sobra na? Kapag ikaw mismo umayaw na? Pag ikaw mismo sumuko na sa pag-asa na magbabago pa sya kasi pagod ka na din masaktan?
At paano din kung kelan sumuko ka na eh tsaka pa sya nagbago ng tuluyan? Tsaka pa nya pinakita at pinaramdam sayo na mahalaga ka at mahal ka nya?
Paano mo pa sya mapapatawad?
Paano mo makakalimutan lahat lahat ng masasakit na bagay na ginawa at sinabi nya sayo?
Paano ka magsisimula ulit na parang walang nangyareng masakit noon?
Posible nga bang ganun? Na makalimutan at mapatawad mo sya basta basta kung sa tagal ng relasyon nyo, karamihan ng naranasan mo ay hindi maganda?
Paano ba yun?
PAANO NGA BA?
Hindi madaling magpatawad at makalimot lalo na kapag alam mong ikaw yung walang ginawang mali - at lahat ng ginawa mong mali ay dahil lang din sa maling ginawa nya sayo.
Hindi madaling magpatawad kapag lahat ng bagay, ginawa mo para lang mag-work ang relasyon nyo - kahit na most of the time ikaw na yung nadedehado.
Hindi madaling makalimot lalo na kung dumating na sa punto noon na halos magmakaawa kang mahalin ka rin - kasi mo sya kamahal. Nagmumuka ka ng tanga, ikaw pa naghahabol.
Hindi ganon kadaling magpatawad … kasi nagmahal ka ng buong-buo, ng tapat, ng totoo - pero hindi ka pinahalagahan hanggang sa sumuko ka na lang. Hanggang sa tanggapin mo na lang na hanggang doon lang talaga yung kaya nyang ibigay sayo.
Pero ngayon, ngayon na pinipilit nyang magbago … at humingi sya ng huling pagkakataon para maitama nya lahat ng pagkakamali nya sayo… paano?
Paano nga ba magpatawad?
Ako, hindi ko rin alam.
Kahit gaano kaganda ang balanse at kontrol ko sa emosyon ko, hindi ko pa din alam kung paano magpapatawad.
Kasi nasobrahan ako eh.
Tinulak ako hanggang sa dulo ng limitasyon ko.
Hanggang sa puntong sumuko na ako.
Hanggang sa ginusto ko nang umayaw at magsimula na lang ulit … tpos bigla syang magbabago.
Hindi ko alam kung paano magpapatawad - to the point na nasira na yung balanse ko, at yung mga negatibong bagay na hina-handle ko ng ayos dati, hindi ko na na-handle. Paulit-ulit akong nagkakaron ng emotional outburst, nanunumbat at naninisi ng paulit-ulit. Nagsasalita at naninigaw ng di maganda, kahit sa pampublikong lugar pa.
Hindi ko sya mapatawad.
Hindi ko sya mapatawad at ako rin mismo nahihirapan na.
Nahihirapan akong i-handle yung sarili ko, kasi nawawala na yung disiplinang nilagay ko sa sarili ko noon. Nahihirapan akong i-justify yung dahilan kung bakit ako nagagalit. Nahihirapan akong ituwid yung mga bagay na dapat naming itama kasi nawawalan ng kooperasyon sa aming dalawa - dahil lang sa hindi ko pa sya mapatawad.
Sa huli, idinaan ko na lang sa dasal.
Kaya idinasal ko na lang, na sana tulungan akong mapatawad sya sa lahat ng nagawa nya. Na sana … sana maging ayos ang lahat, at gabayan akong makuha ulit yung balanseng nawala ko na.
Idinasal ko na lang.
Sa ngayon, unti-unti … inaayos. Unti-unti, nagiging okay.
Sana, dumating na yung oras na mamahalin ko na sya ulit ng buong buo gaya ng dati.
Yung walang halong galit at paninisi.
Sana, mapatawad ko na sya ulit, for the last time.

Yun oh! ni-Follow nya ako oh! :D
Nagulat ako pagbukas ng Gmail ko kanina (oo, sa Gmail talaga!) tas ito agad nakita ko:

Maraming salamat sa pag-follow Chien!
THANK YOU THANK YOU THANK YOU!!
Di ko na alam sasabihin, grabeee…
SALAMAT!!
On the new Pope
Nabasa ko ito mula sa Facebook kanina:
POPE FRANCIS prepares sandwich for Swiss Guard outside his bedroom
by Pino Corrias
The surprising greatness of this new Pope Francis is in the small things. For example, the ability to say, “Brothers and sisters, good evening,” instead of appealing to the centuries, the Scriptures or the universe to present himself to the world. To wear an iron cross of instead of a golden one. To wash the feetof the prisoners.
Or yet, to care for the Swiss Guard who guards the door of his apartment in Casa Santa Marta every night until dawn.
A few days ago, at dawn, the time the Pope wakes up, he came out to the corridor, and he found in front of his door the sentry, a Swiss Guard standing with his halberd at attention.
He asked him: “And what are you doing here? Have you been up all night?”
“Yes,” replied the guard with deference and a bit surprised.
“On your feet?”
“Your Holiness, my duty since I took over from my companion.”
“And aren’t you tired?”
“It’s my duty Your Holiness; I should watch for your safety.”
Pope Francis looked at him again with kindness, went back to his suite and after a minute he came out carrying a chair: “At least sit down and rest.”
The guard rolled his eyes and answered: “Santo Padre, forgive me, but I cannot! The regulations do not allow that.”
“The regulations?”
“Orders from my captain, Your Holiness.”
The Pope smiled, “Oh, really? Well, I’m the Pope and I order you to sit down.”
So, caught between the regulations and the Pope, the Swiss Guard (so much for the halberd) chose the chair.
The Pope returned to his apartment.
After a couple of minutes, the Pope came back to the Swiss Guard, still obediently seated on the chair, carrying “panino con marmellata” (Italian bread with jam) which he had prepared. Before the soldier could say anything, the Holy Father, exhibiting his Argentinean smile, told the Swiss Guard, “With all the hours spent standing on guard you must be a bit hungry.” The Swiss Guard had no time to object because the Pope right away wished him a good bite: “Bon appetit, brother.”
At this point, you, reader, don’t you think we all have to do “the wave” with this great Pope Francis? May God conserve him for many years.
Yup, it’s about the new pope, the head of the catholic church.
Well, if what this article’s implying is true, I really hope that he really is different.
I’m a catholic for 18 years before I turned to paganism (for some reasons) and now, I’m on my third year in this path. Sa tingin ko, yung transition from Pope John Paul II to Pope Benedict XVI is not that good. I mean, hindi ako tagasubaybay ng Vatican pero more on the negative side ang effect ng transition, I don’t know. Sana this time, your effect ni Pope John Paul II noon, ganun din or more pa yung effect ng bagong Pope ngayon.
Ideya lang - 11:11
Sabi ni Wiki:
Crowley defined Magick as “the Science and Art of causing Change to occur in conformity with Will.”
…and basically, you deal with a lot of things when you’re trying to practice that. Yep, it is an art kasi sometimes it’s up to you on how you will do things - as long as it works and it brings the change that you want.
Isa pang natutunan ko dati eh yung empowerment ng anything (mostly applicable sa sigils - or sigil ang peg ng explanation) na nagmumula sa maraming tao. The more na ginagamit sya for same reason or purpose, the effective it becomes.
So… naisip ko lang na baka same effect for the 11:11 habit of the tumblristas. The more na may mga taong nagwi-wish dahil sa IDEA ng 11:11, the idea is empowered, thus the possibility that the idea will actually work can be high enough. Mas maraming naniniwala sa idea, nagiging mas totoo sya, and later on it can have it’s own … blahblahblah. Basta, yun!
Actually, di ko alam kung saan at paano nagmula yung habit ng tumblristas na kapag 11:11 na, magwi-wish ka [actually, di ko alam kung ano ang iwi-wish, anything ba o someone?]
Ayun… share lang! Hahaha!











